Pondo sa Universal Health Care kapos ng P74 bilyon - DOH
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kulang ng P74 bilyon ang pondo ng Department of Health para sa Universal Health Care.

Ito ang binigyan diin ni Health Secretary Francisco Duque  kaugnay ng implementasyon ng batas na may layuning magbigay ng health services sa lahat ng Pilipino sa susunod na taon.

Ang total na kakulangan ng Universal Health Care Act ay nasa P95 bilyon pero inaasahan ng ahensya na makakuha ito ng higit-kumulang P21 bilyon mula sa mga gaming regulators at sa mga charity sweepstakes office.

Aminado si Duque na hindi mapapalawig sa unang implikasyon ang primary care benefit package.

Ang batas na may implementing rules na pinirmahan noong nakaraang linggo ay naglalayong patibayin ang lower-level facilities tulad ng mga barangay at district health centers upang hindi na kailanganin ng mga pasyenteng pumunta sa mga siksikang ospital.

Sa ilalim nito, lahat ng Pilipino ay otomatikong magiging miyembro ng state insurance corporation PhilHealth at walang dapat sagutin sa ospital.

 

UNIVERSAL HEALTH CARE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with