Nag-rally sa harap ng Supreme Court ang mga tagasuporta nina ex-Sen. Bongbong Marcos at Vice Pres. Leni Robredo sa gitna ng deliberasyon ng SC sa poll protest ng 2016 vice presidential elections.
KJ Rosales
SC ok ilabas ang recount report sa Marcos protest vs Leni
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Ipinag-utos kahapon ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ilabas na ang committee report sa recount sa tatlong pilot provinces na ipinoprotesta ni dating Sen. Bongbong Marcos sa kanyang poll protest laban kay Vice Pres. Leni Robredo.

Partikular dito ang mga lugar ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Kasabay nito, inutos din ng PET sa magkabilang kampo na magkomento at magsumite ng memoranda sa loob ng 20 araw sa third cause of action na isinampa ni Marcos, na annulment ng 2016 election results sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao dahil umano sa terrorism, violence, force, threats, intimidation, pre-shading of ballots at vote substitution.

Ipinahayag ni Marcos na ‘massive cheating’ ang pagkatalo nito mula kay Robredo sa 2016 elections “by some 260,000 votes” na itinanggi naman ni Robredo.

Nasa 13 justices ang bumoto sa en banc session nitong Martes. 

Dalawa ang tumutol sa PET order na i-release ang report na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Iginiit noon ng kampo ni Robredo sa tribunal na ibasura ang electoral protest at sinabing tumaas pa ng 15,000 ang boto sa bise presidente nang matapos ang initial recount.

Kinumpirma ni SC Spokesperson Brian Keith Hosaka noong nakaraang buwan na isinumite na ni Caguioa ang report niya sa revision at recount sa Ilo­ilo, Camarines Sur at Neg­ros Oriental na kinabibilangan ng 5,417 voting precincts na pinili mismo ni Marcos.

Bago ito, umaga pa lamang ay hati na ang kalye ng Padre Faura sa mga tagasuporta ni Marcos at Robredo. Kanya-kanyang dasal at pana­wagan na pumabor sa kanila ang desisyon ng SC. 

Subalit bigo pa rin ang magkabilang kampo na marinig mula sa SC kung sino ang tunay na nanalo noong 2016 elections.

PET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with