^

Bansa

P20 bills gagawing coins, bagong P5 ilalabas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P20 bills gagawing coins, bagong P5 ilalabas
Ayon sa BSP, pananatilihin nila ang mga pangunahing elemento ng P20 bill at titiyaking mas madali itong matutukoy mula sa iba pang mga barya.
File

MANILA,Philippines — Gagawin na ring coins ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P20 bills dahil mas cost-effective ito.

Ayon sa  BSP, pananatilihin nila ang mga pangunahing elemento ng P20 bill at titiyaking mas madali itong matutukoy mula sa iba pang mga barya.

Ilalabas sa publiko ang P20 coins sa Disyembre bago ito tuluyang ilabas sa sirkulasyon sa taong 2020.

Ipiprisinta umano kay BSP Governor Benjamin Diokno ang pinal na disenyo ng naturang bagong barya sa ceremonial launch nito.

Nabatid na ang P20 bill, na pinakagamit na pera sa bansa, ay kulay orange at may imahe ni dating Pangulong Manuel L. Quezon at ng Palasyo ng Malacañang sa isang bahagi, habang makikita naman ang Banaue Rice Terraces at palm civet sa kabilang bahagi nito.

Balak rin umano ng BSP na maglabas ng mas pinahusay na bersiyon ng P5 coins upang maiba ito kumpara sa iba pang coins.

Ito ay matapos matanggap ang reklamo ng mga consumers na mahirap tukuyin ang P5 na barya mula sa P1 coins at P10 coins na pare-pareho ang kulay at magkakasinglaki lamang ang sukat.

vuukle comment

BSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with