^

Bansa

‘Pangho-hostage’ ng ospital sa pasyente, itigil! - Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Sen. Bong Go na ipatitigil na niya ang iligal na gawi ng mga ospital na “pangho-hostage” sa mga pas­yente, partikular sa mga bangkay, kapag hindi nakababayad ng hospital expenses ang kanilang pamilya.

Dismayado si Go dahil sa kabila aniya ng umiiral na batas, ta­lamak pa rin sa mara­ming ospital ang iligal na pagdedetine sa mga pasyente.

Pinagtibay ang Republic Act 9439 noong 2007 upang masolusyonan ang isyu ng hospital detention.

Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang mga pasyente na makalabas ng ospital o clinic kung mayroon silang promissory note o pa­ngakong babayaran ang kanilang obligasyon. Gayunman, hindi kasama rito ang mga pasyenteng na-confine sa private rooms.

Bagama’t inihayag ang kanyang concern para sa mga pasyente na iligal na idinede­tine sa ospital, sinabi ni Go na kinakailangan ding maprotektahan ang ka­paka­nan ng mga pa­ga­mutan mula sa mga abusadong pasyente.

Sinabi ni Dr. Rosendo Sualog, medical specia­list ng DOH na batay sa impormasyon, kadalasang nangyayari ito sa mga pasyenteng na-confine sa private rooms at hindi makabayad ng obligasyon.

Sa kaso ng mga namatay na Muslim, ikinuwento ni Go na, sa Davao City ay may nakatalaga nang sasakyan para sa pagbibiyahe ng bangkay sa kanilang bahay para agad na mailibing base sa Islamic belief.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with