^

Bansa

Palasyo tikom pa rin sa panawagang i-'exempt' sa martial law ang Davao City

James Relativo - Philstar.com
Palasyo tikom pa rin sa panawagang i-'exempt' sa martial law ang Davao City
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na anak ni Presidente Duterte, ika-7 pa ng Agosto nang magpadala siya ng sulat sa Office of the President kontra sa pagpapatupad ng martial law sa Davao ngunit hindi pa rin daw natutugunan.
File

MANILA, Philippines — Bagama't dalawang buwan na noong humingi ng pahintulot, wala pa rin masabi ang Malacañang tungkol sa mungkahi ng Lungsod ng Davao na mai-pwera mula sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao.

"Hindi ko pa alam ang posisyon ng presidente diyan," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing sa magkahalong Inggles at Filipino.

"Plano kong tanungin siya tungkol diyan mamaya."

Ika-23 ng Mayo taong 2017 nang magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao bilang tugon sa sagupaan ng grupong Maute sa Marawi City.

Dalawang taon matapos nito, at kahit nasugpo na raw ang Maute, may batas militar pa rin sa Mindanao.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na anak ni Presidente Duterte, ika-7 pa ng Agosto nang magpadala siya ng sulat sa Office of the President kontra sa pagpapatupad ng martial law sa Davao ngunit hindi pa rin daw natutugunan.

"Naka-attach yung mga supporting documents bakit natin gustong ma-exempt sa martial law. Wala pa kaming update," ani Carpio sa ulat ng ABS-CBN Lunes.

Agosto nang magpasa ng resolusyon ang City Council ng Davao upang udyukin ang presidente na i-lift ito sa kanilang lugar.

"[M]as mabuti siguro na magpadala rin tayo ng documents sa House of Representatives sa Senate at sa Department of National Defense," dagdag ng presidential daughter.

Linggo nang iminungkahi ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, na magkaroon na lang ng "selective" martial law at mag-focus na lang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

'Walang special treatment'

Bagama't ang Davao City pa lang, na hometown din ni Duterte, ang nag-iisang lokal na gobyernong humihingi ng "lifting" ng martial law sa Mindanao, nanindigan si Panelo na walang special treatment sa lungsod ng presidential daughter.

"Hindi naman siguro. Meron silang mga reasons for so doing. It was even recommended by the regional [Philippine National Police] there," dagdag ng tagapagsalita ni Duterte.

Sa ngayon, hindi pa naman natitiyak ni Panelo kung muling irerekomenda ng presidente na mapalawig pa ang batas militar sa katimugang pulo ng bansa.

Nakatakdang mapaso ang martial law sa Mindanao ngayong Disyembre 2019.

vuukle comment

MARTIAL LAW

MINDANAO

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with