Dalaga ni-rape ng mangingisda
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Wasak ang puri at kinabukasan ng isang 23-anyos na dalaga matapos gahasain ng isang mangingisda makaraang kaladkarin sa isang bahay habang hinihintay nito ang kanyang nobyo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ang kasabwat sa panghahalay na pawang mangingisda na sina Francis Tabangey, 23, at Limar Zumanga, 23, pawang nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.  Pinaghahanap pa ang ikatlo nilang kasama na siyang aktuwal na nanggahasa na si Neil Francis Quirino, 25.

Sa ulat ng Navotas City Police, mag-isang hinihintay ng biktima na itinago sa pangalang “Charm”, ang kanyang nobyo sa tapat ng kanyang bahay sa may Dagat-Dagatan sa Brgy. NBBS dakong alas-7:00 ng gabi nang dumating ang suspek na si Quirino at sapilitan siyang kina­ladkad hanggang sa ipa­sok sa isang bahay.

Dito naghihintay pala ang mga suspek na sina Tabangey at Zumanga. Tumulong ang dalawang suspek para tuluyang maipasok ang biktima sa loob ng isang kuwarto at doon siya matagumpay na ginahasa ni Quirino.

Matapos na makaraos, pinayagan naman ang biktima na makalabas ng bahay kaya agad siyang nakapagsumbong sa kaniyang nob­yo na naghahanap sa kanya.  Mabilis silang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek habang tuluyang nakatakas si Quirino.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with