^

Bansa

Hustisya hiling sa pagkamatay ng babaeng OFW sa Abu Dhabi

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Sumisigaw ng katarungan ang mga kaanak at katutubo ng Cordillera sa pagkamatay ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) na hinihinalang may foul play sa kanyang pagkahulog mula sa ika-13 palapag ng pinapasukang gusali sa Abu Dhabi noong Oktubre 2.

Ayon sa Indigenous Womens’ organization na “Innabuyog”; pinaniniwalaang sadyang pinaslang at hindi nag-suicide si Jean Balag-ey Alberto, isang katutubong Kankana-ey mula sa Mountain Province.

Ayon sa salaysay ng mga kaanak, nagpadala ng mesahe sa social media si Alberto ilang oras lamang bago napabalita ang kanyang pagkahulog.

Ayon sa mensahe ni Alberto, kinukulong, minamaltrato at hindi siya pinapakain ng kanyang amo hanggang maisipan niyang ipapulis na lamang siya ng huli makalayas lamang sa kinasasadlakan niyang impiyerno sa poder nito.

Nabatid na may tatlong buwan pa lamang namamasukan sa Abu Dhabi si Alberto.

Dahil dito nanawagan sa pamahalaan ang samahan na hilingin ang masusing imbestigas­yon ng pagkamatay ng kanilang kababayan at tulungan ang pamilya ni Alberto na maiuwi ang kanyang bangkay sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with