Pekeng empleyado ng DBM nangotong sa mga pulis, tiklo
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Hindi na nagawang matangay ng isang lalaking nagpakilalang empleyado ng Department of Budget and Management (DBM) ang nakalap na pera sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang mabuking na nangongotong at hindi totoong maysakit ang anak, sa Sampaloc, Maynila.

Inaresto at ipinagharap ng reklamong Usurpation of Authority o paglabag sa Article 177  ng Revised Penal Code  ang suspek na si  Joseph Pajila Sr. , 35-anyos at residente ng no.769  Dos Castillas St., Sampaloc, Maynila.

Ayon kay P/Capt. Edwin Fuggan, hepe ng Lacson Police Community Precinct (PCP), nagtungo umano sa kanilang presinto ang suspek dakong alas-7:30 ng gabi at nagpakilalang taga-DBM.

Nakiusap siya sa mga pulis na bigyan siya ng pinansiyal na tulong dahil maysakit na Dengue ang kanyang anak na naka-confine sa San Lazaro Hospital.

Dahil sa awa, nag-ambagan ang mga pulis at ibinigay sa suspek subalit bago pa siya makalabas ng presinto ay nakatawag na si Fuggan sa nasabing ospital at naberipika na wala ang pangalan ng sinasabing anak na maysakit na Dengue.

DBM MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with