Operator ng SLEX parurusahan ng TRB
Angie dela Cruz, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Parurusahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang operator ng South Luzon Expressway - Skyway extention pro­ject dahil sa naidulot na epekto ng proyekto nito sa paghigpit ng daloy ng trapiko sa north bound portions ng naturang expressway.

 Ayon kay Raymundo L. Junia ng TRB, posibleng pagmultahin nila ang operator ng natu­rang proyekto dahil wala itong nagawa at lalu pang tumindi ang paglala ng traffic sa lugar.

 Nang simulan ang P10-billion Skyway extension project mula Barangay Cupang hanggang Barangay Putatan sa  Muntinlupa ay naisara ang Alabang viaduct - Muntinlupa noong September 24 kaya nagka­buhol buhol na ang trapiko sa lugar.

Sinabi ni Junia na pinag-aaralan na rin ng TRB board ang pagbaba sa toll fee sa SLEX habang ginagawa ang naturang extention project.

Hiniling naman ni Laguna Rep. Sol Aragones sa SLEX na suspendehin o bawasan ang singil sa toll fee dito.

Sa dalawang pahinang House Resolution 428 na inihain ni Aragones, pinasususpinde niya o pinababawasan ang singil sa SLEX sa loob ng anim na buwan.

SLEX TRB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with