^

Bansa

Pamasko? Normal na LRT-2 operations planong maibalik sa Disyembre

James Relativo - Philstar.com
Pamasko? Normal na LRT-2 operations planong maibalik sa Disyembre
"By Christmas 'yun ang objective natin. That is, depende sa magiging resulta ng paghihimay sa nasirang parts," ani LRTA spokesperson Cabrera sa media ngayong Lunes.
File

MANILA, Philippines — Maaaring makatakbo nang muli mula Santolan hanggang Recto station ang Manila Light Rail Transit System Line 2 sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, ayon sa Light Rail Transit Authority.

"By Christmas 'yun ang objective natin. That is, depende sa magiging resulta ng paghihimay sa nasirang parts," ani Cabrera sa media ngayong Lunes.

Una nang sinabi ng LRTA na aabutin ng siyam na buwan bago muling magamit ang Santolan, Katipunan at Anonas stations kasunod ng nangyaring sunog sa linya ngayong buwan.

Imbis na "full unit replacement," sinabi ni Cabrera na maaaring mapabilis ang pagkukumpuni kung pira-piraso nilang papalitan ang mga component na kinakailangan.

Sinabi na noon ni Cabrera na mapapatagal ang pag-aayos nito dahil iaangkat pa mula sa ibang bansa ang mga spare parts.

Ika-3 ng Oktubre nang itigil ang operasyon ng tatlong istasyon matapos mapatid ang rectifier substation 5 na nakatalaga sa Katipunan.

"Matapos ang insidente, hindi pa namin na-appreciate at natasa kung anu-ano ang mga napinsalang bahagi ng rectifier unit," dagdag ni Cabrera sa Inggles.

"Pero ngayong nabigyan na kami ng clearance ng Bureau of Fire Protection, gumagawa na kami ng masusing assessment sa mga nasirang asset."

Samantala, inanunsyo na rin ng LRTA na madadagdagan ng tatlong istasyon ang LRT-2.

Kabilang dito ang Tutuban, Divisoria at Pier 4 sa Maynila, na planong makumpleto pagdating ng 2023 kalakip ng LRT-2 West Extension Project.

Naibalik na rin ngayong araw ang libreng sakay sa LRT-2 para sa mga estudyante tuwing alas-singko hanggang alas-sais ng umaga. — may mga ulat mula kina Ratziel San Juan, Ghio Ong at Mer Layson

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LRT-2

MASS TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with