Abusadong barangay officials pinagpapaliwanag ng ACT-CIS
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Pinagpapaliwanag ng ACT-CIS partylist ang mga barangay official sa Barangay Paltok, Quezon City makaraang magreklamo ang isang scavenger dahil sa pagkumpiska at pagwasak sa kanyang kariton na ginagamit sa pagha­hanapbuhay araw-araw.

Umiiyak na lumapit at humingi ng tulong sa tanggapan ng ACT-CIS si Ruben Sulu, 52, may asawa at dalawang anak.

Reklamo ni Mang Ruben, ilang tauhan at opisyal umano ng Brgy. Paltok ang bigla na lamang kinuha ang kanyang kariton noong nakaraang linggo kahit nakatabi naman ito.

“Basta na lang pinababa ng kariton ang asawa ko at mga anak saka kinuha at dinala sa kanilang barangay. Pinuntahan ko para kunin pero wasak-wasak na,” sumbong ni Mang Ruben.

Agad naman nagtu­ngo sa nasabing barangay ang mga tauhan ni Cong. Eric Yap, pero ang sabi ng mga tanod ay gumagamit umano ng droga si Mang Ruben na mariin namang pinabulaanan.

Sinabi ni Yap, kung talagang nahuli nilang gumagamit ng droga si Mang Ruben ay bakit hindi tinurnover sa pulisya sa halip ay pinalaya ito.

Wala ring drug paraphernalia na maipakita ang mga barangay official na umano’y nakuha nila kay Mang Ruben.

Dahil sa pangyayari, ipapatawag ni Rep. Yap ang mga opisyal ng barangay sa Paltok para magpaliwanag sa ginawa nila sa pobre.

ACT-CIS PARTYLIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with