Kabuhayan ng mga midwives isinalba ni Sen. Go
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isinalba ni Sen. Bong Go ang trabaho at kabuhayan ng libo-libong midwives at lying-in clinic sa bansa makaraang pigilin nito ang implementasyon ng DOH administrative order 26-2019.

Nabatid na ang administrative order 26 ay nagbabawal sa mga midwives at lying-in clinic na magpaanak kapag unang sanggol ng isang ina at panglima na baby o higit pa.

Si Sen. Go, chairman ng Committee on Health ng Senado ay nagsabing dapat munang pag-aralang mabuti ang kautusan ng DOH dahil marami ang maaapektuhan.

“Kailangan ng konsultasyon at pag-usapan ng DOH, midwives at lying-in clinic owners kung ano ang makakabuti para sa lahat,” ayon kay Go.

Katwiran ng DOH, maselan ang mga buntis sa ganung kalagayan at kailangan ng todong medical attention sa hospital.

Sinabi naman ni Patricia Gomez, executive director ng Midwives Association of the Philippines, pinagbasehan lang ng DOH ang pag-aaral na isinagawa sa mga buntis sa Pakistan at Nigeria at hindi dito sa Pilipinas.

Mataas ang mortality rate sa panganganak sa mga nasabing bansa dala marahil sa environmental conditions o experience ng mga nagpapaanak doon.

Ayon pa kay Gomez, ang mga buntis sa probinsiya at mga mahihirap na Pilipino ang siyang umaasa sa mga komadrona at lying-in sa kanilang panganganak.

Dahil naman sa pakiusap ni Sen. Go, kaya sinuspinde ng DOH ang implementasyon ng naturang kautusan na labis namang ipinagpapasalamat ng libu-libong midwives at mga may-ari ng lying-in clinic sa bansa. 

SEN. BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with