P25B sa PUV modernization kunin sa road tax - solon
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nakahain ngayon sa Kamara ang isang panukala na naglalayong gamitin ang 25 bilyong piso mula sa ‘road users’ tax revenue’ para pondohan ang ‘PUV modernization program,’ mapababa ang polusyon, lalong pataasin ang bisa ng paggamit sa gasolina at isulong ang ibayong kaligtasan sa mga sakuna sa kalsada.

Inihain ni Albay Rep. Joey Salceda ang HB 4695  o “Motor Vehicle Road User’s Tax Act” para amyendahan ang RA 11239 at taasan ng 300% ang ‘road user’s tax’ o ‘motor vehicle user’s charge (MVUC),’ na kinukulekta ng Land Transportation Office (LTO) mula sa taunang bayad sa rehistro ng mga sasakyan sa buong bansa para sa ‘infrastructure development.’ 

Sa ilalim ng HB 4695, ang karagdagang pondo mula sa MVRUT ay tutulungang pondohan ang ‘PUV modernization and universal health care.’

Layunin nito ang isulong ang mabisang transportasyon para sa mga mamamayan at tulungan ang mga ‘PUV drivers and operators’ na mapalitan ang luma at bulok nilang mga dyip ng makabagong PUV na may ‘brand-new environment-friendly Euro 4 compliant diesel engines or electric motors,’ sa pamamagitan ng pondong suporta.

Sa panukala ni Salceda, bawat may-ari ng ‘jeepney’ ay tatanggap ng P500,000 subsidyong tulong, malaking hindi hamak sa naunang P80,000 pinagkasunduan ng mga mambabatas.

Sa kanyang balangkas, mga P25 bilyon mula sa MVUC ang isasantabi para sa ‘PUV subsidy’ para makabili ang mga dyipni drayber ng sarili nilang yunit.  

LTO PUV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with