Ang kautusan ni Guevarra ay bunsod na rin ng ginagawang pagbabago ni BuCor Director Gerald Bantag kung saan sinasabing lalo pang lumala ang kondisyon ng mga bilanggo sa national penitentiary matapos na magsagawa ng demolition sa ilang nakatayong illegal structures doon.
Miguel de Guzman
Reporma sa BuCor bantay sarado ng DOJ
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Mahigpit na pinababantayan ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa oversight committee ang mga repormang ipinapatupad sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ang kautusan ni Guevarra ay bunsod na rin ng ginagawang pagbabago ni BuCor Director Gerald Bantag kung saan sinasabing lalo pang lumala ang kondisyon ng mga bilanggo sa national penitentiary matapos na magsagawa ng demolition sa ilang nakatayong illegal structures doon.

Ani Guevarra, kailangang hindi nalalabag ang karapatan ng mga preso sa kabila ng kanilang pagkakakulong.

Sinabi ng kalihim na nais niyang matiyak na tama ang ginagawang reporma ni Bantag at hindi ito ‘out of bounds’.

Kailangan pa ring manaig ang pagdidisiplina at reporma sa pagkatao ng bawat preso. Aniya ito ay paghahanda sa kanilang muling pagsasama ng kanilang pamilya.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay sinimulan ng BuCor at ng Philippine National Police ang demolition sa pagnanais na masupil ang illegal business dealings sa national penitentiary.

BUCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with