Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, ang 161 ay kabilang sa 800 na Persons Deprived of Liberty (PDL) na sumuko at hindi sakop ng GCTA.
File
161 surrenderers sa ilalim ng GCTA muling palalayain
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Justice na umaabot sa 161 convicts na una nang pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA)  at sumuko  ang muling palalayain  mula sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Justice Undersecretary  Markk Perete, ang 161 ay kabilang sa 800 na Persons Deprived of Liberty (PDL)  na sumuko at hindi sakop ng GCTA.

Sinabi ni Perete na kailangan na  muling tignan at pag aralan mabuti ang kaso ng mga bilanggo lalo pa’t ilan sa mga bilanggo ay kulang-kulang ang records.

Kasalukuyang nililinis ng DOJ  at BuCor ang listahan ng mga preso.

Matatandaan na  2,100 convicts ang su­muko matapos na magbaba ng 15-day ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga preso na may kasong  heinous crime.

Maraming convicts ang  natakot at sumuko dahil sa ultimatum.

Paliwanag ng mga convicts, napilitan silang sumuko para na rin sa kanilang seguridad.

 

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with