Indonesian, huli sa P54-M shabu sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang babaeng Indonesian ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs at PDEA sa Ninoy Aqui­no International Airport (NAIA) Terminal 3, dahil sa dala nitong walong kilo ng hinihinalang shabu galing Cambodia na nagkakahalaga ng mahigit sa P54 milyon.

Kinilala ang suspek na si Agnes Alexandre, tubong Jakarta Indonesia.

Ayon kay NAIA Customs Collector Mimel Talusan, ang suspek ay sakay  ng eroplanong Cebu Pacific flight 5J-258 mula Siem Reap Cambodia na lumapag sa NAIA terminal 3 ala-1 ng madaling araw.

Ayon kay  Talusan, ang walong kilong shabu ay nakasilid sa itim na trolly bag ng suspek na may street value na P54.4 million na nakita ni Fe Pascua, x-ray machine operator, ng idaan dito ang bagahe.

Mariin namang itinanggi  ng dayuhan  na galing sa kanya ang shabu dahil ipinadala lamang ito sa kanya at hindi niya alam ang laman nito.

Sumailalim na sa masusing imbestigasyon ng mga tauhan ng Customs Anti-illegal Drug Task Force at PDEA ang suspect at inaalam kung sinu-sino ang mga kasabwat ng sindikato sa tangkang pagpuslit ng ilegal na droga dito.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with