Sa halip na maluhong coaches ‘MRT ayusin’- solon
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patakbuhin muna nang maayos sa araw-araw ang Metro Rail Transit sa halip na unahin ang luho sa paglalagay ng business class coaches sa MRT 3.

Ito ang payo ni House of Representatives Committee on Metro Manila Development Vice Chairman at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa Department of Transportation.

Ang reaksyon ng kongresista ay bunsod sa rekomendayon ni Senador Grace Poe sa budget hearing ng DOTr sa Senado na maglagay ng business class coaches sa MRT 3.

Iginiit ng lady solon na magiging counter-productive ang suhestyon na ito ni Senator Poe dahil malilihis lamang sa focus ang DOTr sa halip na tugunan ang problema ng mga commuters.

Sinabi pa ng kongresista na maiintindihan naman ng publiko kung walang business class na bagon sa MRT 3 basta’t walang aberya at hindi nagkakaproblema ang kanilang pagbyahe sa tren araw-araw.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with