_ngayon
^

Aquino, pamilya may death threats

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakakatanggap na umano ng banta sa buhay si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino at kanyang pamilya matapos ihayag na tinawagan siya ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na huwag munang ipatupad ang dismissal order laban sa 13 niyang tauhan.

Emosyonal na binasa ni Aquino ang kanyang statement sa Senado kung saan inamin niya na nakakaramdam siya ng pressure simula noong nakaraang pagdinig.

Ayon kay Aquino, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang kaibigan upang bigyan ng babala.

“Pinaghahandaan nila ang pamilya mo,” ayon umano sa tumawag.

Sinabi ni Aquino na para siyang nadurog matapos marinig ang impormasyon lalo pa’t tinanggalan na siya ng security escorts.

“I feel so helpless and defeated,” sabi ni Aquino.

Tinanong din ni Aquino sa sarili kung dapat ba niyang isugal ang buhay ng kanyang pamilya.

“I kept asking myself, ‘Is this fight worth it? Why will I gamble the safety of my family? I kept thinking about my daughter and my sons, the youngest being 12. Tama ba na isugal ko ito sa laban sa mga kalaban,” sabi pa ni Aquino.

 

AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with