Sa Ordinance 8570 na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ngayong Lunes, sinabing bibigyan ng P800 ang mga taong edad 60 pataas tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.
The STAR/Miguel De Guzman, File
'Pa-birthday ni mayor': P800 handog ng Maynila sa senior citizens ng lungsod
James Relativo (Philstar.com) - September 30, 2019 - 3:32pm

MANILA, Philippines — Senior citizen ka na ba at nakatira sa Lungsod ng Maynila? May good news ang lokal na gobyerno nito para sa'yo.

Sa Ordinance 8570 na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ngayong Lunes, sinabing bibigyan ng P800 ang mga taong edad 60 pataas tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.

"Kung kayang gawin ng Makati, bakit hindi kaya ng Maynila? Sana hindi pangit ng impression sa pagkopya ko. Ako naman, hindi mahihiya kapag mangongopya," ani Domagoso sa magkahalong Inggles at Filipino.

"Para sa kapakinabangan ng mga taga-Lungsod ng Maynila, hindi kami mahihiya mangopya [mula sa ibang lungsod]."

Pagbibiro niya, mga estudyante lang ang hindi dapat mangopya.

Gagamit daw sila teknolohiya upang ipamahagi ang pera para masigurong tapat ang proseso at hindi mahirapan ang mga tatanggap na may edad.

Cash ang matatanggap ng mga senior, at sinasabing magsisimulang ipatupad sa 2020.

Aamyendahan nito ang Section 3 ng City Ordinance 8362, na dati nang inamyendahan ng Ordinance 8457, na pinamagatang "An Ordinance Granting Birthday Gifts to All Senior Citizens of Manila, and for Other Purposes."

Ayon sa ordinansa, manggagaling ang pondo taun-taon sa taunang budget ng lungsod. Ika-15 ng Agosto nang maaprubahan ito ng City Council of Manila.

Itsura ng 'pinaggayahan'

May kahawig na ordinansang ipinatutupad sa Makati, na nagbibigay ng P10,000 kada taon sa mga "Blu Card" holders na 90-anyos hanggang 99.

Oras na umabot sila ng 100 taong-gulang, makatatanggap ang Makati seniors ng P100,000.

Noong nakaraang Biyernes, nakatanggap ng P100,000 cash gift mula sa Makati City government ang dalawang centenarians.

Nasa 59 centenarians na ang nakatatanggap ng cash gifts simula nang maipasa ang ordinansa noong 2012.

CASH GIFT ISKO MORENO MAKATI MANILA SENIOR CITIZENS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with