Mocha Uson itinalagang deputy administrator ng OWWA
'Yan ay kahit ipinagbabawal ng Article IX Section 6 ng 1987 Constitution ang pagtatalaga sa gobyerno ng mga natalong kandidato sa eleksyon sa loob ng isang taon.
File
Mocha Uson itinalagang deputy administrator ng OWWA
James Relativo (Philstar.com) - September 30, 2019 - 1:38pm

MANILA, Philippines (Update 2, 2:14 p.m.) — In-appoint bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration ni Pangulong Rodrigo Duterte si Esther Margaux "Mocha" Uson, ayon sa inilabas na listahan ng presidential appointees na pinetsahang ika-25 hanggang 26 ng Setyembre.

'Yan ay kahit ipinagbabawal ng Article IX Section 6 ng 1987 Constitution ang pagtatalaga sa gobyerno ng mga natalong kandidato sa eleksyon sa loob ng isang taon.

"No candidate who has lost in any election shall, within one year after such election, be appointed to any office in the Government or any Government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries."

Si Uson ay nominado ng AA Kasosyo party-list sa katatapos lang na 2019 midterm elections noong Mayo, na ginanap halos limang buwan pa lang ang nakararaan.

Gayunpaman, inilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi saklaw ng one-year-ban ang mga party-lists.

Bago itinalaga sa OWWA, na isang ahensya sa ilalim ng Department of Labor and Employment, nagsilbi muna siya bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Taong 2017 naman nang maging board member siya ng Movie and Television Review and Classification Board si Mocha.

Isang masugid na tagasuporta ni presidente Duterte, unang nakilala si Uson sa kanyang pagsasayaw at paglabas sa ilang mapangahas na videos.

"Alam mo, wala sa isip ko 'yan eh. Masaya po ako ngayon na volunteer, kaya tuloy-tuloy [lang tayo]," ani Uson.

Appointment kinastigo

Samantala, humarap naman sa sari-saring negatibong reaksyon ang naturang appointment.

Nanindigan ang media at arts alliance na LODI, o Let's Organize for Democracy and Integrity, na labag sa Saligang Batas ang pagkakalagay sa kanya sa pwesto.

Ginamit din nila ang probisyon ng Article IX Section 6 ng Konstitusyon bilang batayan sa kanilang posisyon.

"Kahit na posisyon sa lokal na gobyerno, hindi pwedeng ilagay si Uson nang hindi lumalabag sa Local Government Code," ayon sa statement na inilabas Lunes sa Inggles.

"Hindi kwalipikado [noon] bilang PCOO assistant secretary si Uson, at hindi rin kwalipikado para sa posisyong humihingi ng buong tiwala ng mga OFW sa paghawak ng kanilang pera."
Dagdag ng grupo, walang lugar ang misinformation at "hate-filled rhetoric" sa loob ng OWWA.

Matagal nang nababatikos si Uson sa pagpapakalat ng mali-maling impormasyon.

Hindi lang daw pondo ng OWWA ang nasa peligro, pero pati ang buhay ng mga OFW, sabi ng steering committee ng LODI.

"Nakita na natin noon si Uson na makipagkuntyaba sa dating konsultant ng [Department of Foreign Affairs] sa paglalabas at pagkamal ng kita mula sa video ng OFW rescue noong 2018 na nag-endanger sa libu-libong Pilipino sa Kuwait."

Ika-17 ng Setyembre sabihin ni Uson na wala siyang balak maging bahagi ng Gabinete ng presidente.

"Alam mo, wala sa isip ko 'yan eh. Masaya po ako ngayon na volunteer, kaya tuloy-tuloy [lang tayo]," ani Uson.

MOCHA USON OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with