Palasyo pumalag sa pakikialam ng US Senate sa kaso ni de Lima
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinalagan ng Malacañang ang pag-apruba ng US Senate Appropriations Committee sa isang pending bill na nag­lalayong pagbawalang makapasok ng Estados Unidos ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang hakbang na ito ay isang lantarang pang­hihimasok sa domestic legal process ng bansa lalo ang kasong dahilan ng pagkakakulong kay Sen. de Lima ay kasalukuyang dinidinig ng korte.

Ayon kay Panelo, layunin nitong ma-pressure ang mga independent institutions kaya malinaw itong pakikialam sa soberenya ng Pilipinas.

Maituturing daw itong insulto sa competence at kakayahan ng mga otoridad dahil pinalalabas ng US Senate panel na may monopolyo sila sa kung ano ang tama at makatarungan.

Tinatrato umano ang ating bansa bilang inferior state na hindi kuwalipikadong pangasiwaan ang sariling internal affairs.

Kahit sinong Pilipino daw, kakampi o kritiko man ng administrasyon ay dapat magalit at ma­bastusan sa nakaka­in­sulto at “offensive” na hakbang ng US Senate panel.

Sa tweet ni US Sen. Dick Durbin, pinuri nito ang panukala at tinawag na “politically motivated” ang pagpapakulong kay de Lima.

Isa si Durbin sa mga mambabatas na nagsulong ng resolusyon noong Abril na kumokondena sa detensiyon ni de Lima. Nanawagan din ito na palayain na ang senadora. Malou Escudero

DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with