_ngayon
^

Bansa

Lacson ‘dinikdik’ sa paninira sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang “political hatchet job” o pulitikal na kampan­ya para sirain ang imahe ng Kamara sa publiko ang mga walang basehan at mga imbentong paratang ni Sen. Ping Lacson kamakailan laban sa mga kongre­sista, ayon kay Deputy Speaker LRay Villafuerte. 

“Walang pakundangan si Senador Lacson na maglabas ng mga alegasyon na wala naman palang katotohanan dahil ang talagang agenda nya ay sirain ang imahe at reputasyon ng Kamara. Ang tunay na layunin  niya ay pagandahin ang imahe ng Senado sa pamamagitan ng pagsira sa Kamara,” sabi ni Villafuerte. 

Inakala noong una ng mga kapwa niya mambabatas sa Kamara na isang political misunderstanding o hindi pagkakaintindihan lamang ang nangyari sa pagitan ni Lacson at ng Kamara. 

Pero lumalabas anya ngayon sa mga inaasta ni Lacson na isa pala itong matinding pulitikal na kampanya ng paninira laban sa Kamara bilang isang institusyon at sa mga miyembro nito. 

“Gusto kong linawin bilang Deputy Speaker for Finance na ang General Appropriations Blll na inaprubahan ng Kamara nitong nakaraang linggo ay walang bahid ng pork o kahit anong illegal insertions,” dagdag pa ni Villafuerte.  

Tiniyak din ni Deputy Speaker for Internal Affairs Neptali Gonzales II na ang mga miyembro ng Kamara ay laging susunod sa sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na ang 2020 budget ay dapat na walang pork o parking ng pondo. 

Pinaalala rin ni Capiz Rep. Fredenil Castro kay Lacson na si Senate President Vicente Sotto III mismo ang nagsabi sa isang TV interview na hindi pork barrel ang mga proyektong nirekomenda ng mga kongresista sa ilalim ng 2020 budget.

 

LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with