#WalangPasok: Klase sa Adamson, TUP suspendido kasunod ng sunog
James Relativo (Philstar.com) - September 26, 2019 - 3:43pm

MANILA, Philippines (Update 2, 5:28 p.m.) — Sinuspindi ng pamunuan ng Adamson University ang mga klase sa lahat ng antas kasunod ng nangyaring sunog sa Maynila ngayong Huwebes.

'Yan ay matapos tupukin ng 5th alarm na apoy ang ilang kabahayan sa Sylvia St. corner San Marcelino, Ermita, Maynila

Tumutugon na ang Bureau of Fire Protection sa sunog.

Sa kabila ng insidente, inabisuhan muna ang mga empleyado na manatili sa lugar hanggang alas-singko ng hapon.

Bukas din ang pinto ng naturang unibersidad sa lahat ng mga naapektuhan ng paglagablab ngayong hapon.

Apektado rin ng sunog ang mga dormitoryong nagsisilbi para sa mga estudyante ng Adamson, Technological University of the Philippines at mga kalapit na eskwelahan.

Suspendido na rin ang mga klase sa TUP-Manila, ayon sa kanilang  university student government.

"Dahil sa tuloy-tuloy na sunog sa San Marcelino St., idineklara na ni TUP President, Dr. Jesus Rodrigo F. Torres ang suspensyon ng klase sa pamamagitan ni Dr. Dionisio A. Espression Jr., VPAA, epektibo ngayong ika-26 ng Setyembre, 2019," sabi ng paskil sa Inggles.

Inabisuhan din ang mga estudyante na agarang umuwi at lumayo sa pinangyayarihan ng apoy.

Maaari rin daw pansamantalang tumuloy sa TUP Chapel, CIE building room 304, 305 at TUP covered court ang mga naapektuhan ng sunog: "Stay safe TUPIANS!"

Nangangalap na rin ng donasyon ang komunidad ng Philippine Normal University kaugnay ng nangyari.

Idineklara na ring "under control" ang sunog pagsapit ng 3:58 p.m. — may mga ulat mula kay Russel Palma at The STAR

ADAMSON UNIVERSITY BUREAU OF FIRE PROTECTION FIRE MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with