“Bilang Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness, with due respect to Sen. Lacson, ang kanyang alegasyon na may plano daw na bigyan ng P1.5 billion ang mga Deputies ng House of Representatives ay isang malaking kasinungalingan. It is a big, big lie!” sabi pa ni Villanueva.
‘P1.5 bilyon sa deputy speakers kasinungalingan’- Solons
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ito ang reaksyon ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC partylist sa alegasyon ni Senador Ping Lacson na tatanggap umano ang mga Deputy Speaker  ng Kamara de Representante ng  dagdag na bilyong pondo  sa ilalim ng P1.4 trillion national budget para sa taong 2020. 

Ayon kay Villanueva,  walang basehan at hinugot lamang sa hangin ang mga paratang ni Lacson. 

“Bilang Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness, with due respect to Sen. Lacson, ang kanyang alegasyon na may plano daw na bigyan ng P1.5 billion ang mga Deputies ng House of Representatives ay isang malaking kasinungalingan. It is a big, big lie!” sabi pa ni Villanueva.  

Sinabi rin  ni House Majority Leader Martin Romualdez na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Lacson  at hiniling sa senador na pangalanan niya ang pinagkuhanan ng maling  impormasyon.  

Ayon naman kay Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla,  nagtataka siya kung saan nakuha ni Lacson ang mga paratang niya na para bang ang punto ay siraan lamang ang imahe ng Kamara de Representante, sa halip na maki­pagtulungan na lamang para maisulong ang mga programang reporma ng Pangulo.

“Ginugulo niya (Sen. Lacson) ang sitwasyon. Gusto niyang pagandahin ang imahe ng Senado habang sinisira ang pagtingin ng mga tao sa Kamara. Ayaw niya kaming magtagumpay,” ani Remulla. 

Idiniin naman ni Capiz Cong. Fredenil Castro  na ang naaprubang national budget sa ilalim ng House Bill No. 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill (GAB) ng Kamara sa third and final reading noong Sept. 20 ay tugma  sa National Expenditure Program o budget proposal ng Pangulong Duterte. 

 

EDDIE VILLANUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with