^

Bansa

2 PMA cadets naospital dahil sa hazing

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
2 PMA cadets naospital dahil sa hazing
Ito ang kinumpirma kahapon ni Armed For­ces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo kaugnay sa dalawa pang kadete ng PMA na dumanas ng hazing at patuloy na nagpapagaling sa military hospital.
File

MANILA, Philippines — Dalawa pang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang naka-confine ngayon sa ospital matapos na dumanas ng hazing.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Armed For­ces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo kaugnay sa dalawa pang kadete ng PMA na dumanas ng hazing at patuloy na nagpapagaling sa military hospital.

Nabatid na ang dalawang kadete ay may ranggong 4th Class na tumanggi munang tukuyin ni Arevalo ang pagkakakilanlan habang patuloy ang imbestigasyon.

Ang nasabing mga kadete ay mga kaklase ng nasawi sa hazing na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, 20 taong gulang, na binawian ng buhay noong Setyembre 18 ng taong ito.

Ayon kay Arevalo, isa sa naturang mga kadete ay ipinasok sa ospital noong Set­yem­bre 17 habang ang pa­­ngalawa ay noong Setyembre 21. Hinihina­lang ang mga ito ay sumailalim sa hazing.

Sinabi ni Arevalo na natukoy na ang mga upperclassmen ng dalawang na-hazing na kadete na kasalukuyang nasa PMA Holding Center habang iniimbestigahan.

Sinabi ni Arevalo na nakakarekober na ang katawan ng nasabing mga namaltratong kadete kung saan ay 24 oras ang mga itong binabantayan sa PMA Station Hospital.

Idinagdag pa ng opis­yal na kapwa dumadaing ng matinding pananakit ng tiyan ang dalawang kadete na patuloy na ginagamot ng mga doktor.

Sa kaso ng hazing, sinabi ni Arevalo na anim ang nahaharap sa kasong administratibo, apat ang posibleng mapatalsik sa akadem­ya, isa ang nahaharap sa class 1 offense o ang pinakamataas na kate­gorya ng kaparusahan na ipinapataw sa mga nagkakasalang kadete. 

Samantala, dalawa pang persons of interest ang natukoy ng pulisya sa imbestigasyon sa pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy sa hazing. Dahil dito, lima na ang mga kadete na isinailalim sa custodial investigation ng PMA.

Siyam pang kadete ang itinuring ng mga imbestigador na mga testigo sa hazing.

Naunang inamin ni PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista na na-“maltreated” si Cadet fourth class Darwin Dormitorio makaraang dumanas ng blunt force trauma dahil sa posibleng mga tadyak o suntok na nagdulot ng hemorrhage.

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawa pang person of interest pero sinabi ni PMA Spokesman Major Reynan Afan na ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing law kapag napatuna­yang nagkasala ng maltreatment.

vuukle comment

HAZING

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with