^

Bansa

Dahil sa namatay na kadete sa hazing Dalawang PMA officers sinibak

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) ang tinanggal sa kanilang mga posisyon kasunod ng pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni PMA spokesman Major Reynan Afan na ni-relieve na ang senior tactical officer at tactical officer ni Dormitorio. “Grounded commander sila sa company level. Sila ang mga tinanggal para magkaroon kami ng mas maayos at patas na imbestigasyon.

Tumanggi si Afan na pangalanan ang tinanggal na mga opisyal pero nilinaw niya na hindi sang­kot ang mga ito sa insidente ng hazing laban kay Dormitorio.

Kaugnay nito, iniha­yag ni PMA Superintendent Ronnie Evangelista na handa siyang magbitiw sa tungkulin.

 “Pag sinabi ng Pre­sident na I am relieved, wala akong magagawa, kaya hopeful lang ako na sana matapos muna ito (investigation) kung magkakaroon man, if i have to resign then i will resign, hindi naman ako na makapamili e sundalo ako eh”, pahayag ni Eva­nge­lista.

Ayon kay Evangelista, si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglagay sa kaniya sa puwesto kaya prerogatibo nito kung nais na siyang tanggalin sa puwesto.

Ayon sa heneral sa gitna ng krisis sa PMA ay nais muna sana niyang matapos ang imbestigasyon.

Si Dormitorio na may edad na 20 anyos ay anak ng isang retiradong Army Colonel na dati ring natalaga sa Army’s 4th Infantry Division (ID).

Nilinaw pa ni Afan na sinibak ang hindi pina­ngalanang mga opisyal dahil sa isyu ng ‘command responsibility’.

Lumitaw sa awtopsiya na nagtamo si Dormitorio ng maraming pasa sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na maaaring bunga ng mga suntok at tadyak nang maraming ulit.

Nitong Lunes, inata­san ni Department of Justice Secretary Me­nardo Guevarra ang National Bureau of Investigation na magsagawa ito ng sarili nitong pagsisiyasat sa insidente.

Naunang natagpuan si Dormitorio na walang malay sa kanyang kuwarto at idineklarang patay pagdating sa ospital noong Setyembre 18. Kinumpirma kinalaunan ng PMA na namatay ang biktima sa hazing.

Inihahanda na ng Baguio City Police ang mga isasampang kaso laban sa tatlong kadete na tinukoy na mga suspek. Dalawa sa kanila ay third class cadet habang ang isa ay first class.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with