^

Bansa

Rearrest sa GCTA-freed convicts ipinatigil

Emmanuel Tupas - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Interior Secretary Eduardo Año na inatasan niya ang Philippine National Police (PNP) na ihinto muna ang pagdakip muli sa mga convict na napalaya dahil sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa isang pulong-bali­taan, sinabi ng kalihim na hindi pa natatanggap ng pulisya ang “malinis” na listahan ng mga sentensiyadong preso na napalaya sa ilalim ng GCTA.

Tiniyak naman ni Año sa publiko na ipagpapatuloy ng mga police tracker teams ang pagsubaybay sa mga aktibidad ng mga convict na nabigong sumuko bago ang taning noong Setyembre 19.

“Ang instruction ko sa PNP, okay let us put on hold for a while, ituloy natin ang pag-track, huwag muna tayo mag-arrest,” dagdag niya.

Hanggang kahapon ng umaga, nabatid sa Department of Justice (DOJ) na may kabuuan nang 2,221 convicts ang sumuko. Mas mataas ito kumpara sa 1,914 unang listahan ng mga napala­yang convict sa heinous crime.

vuukle comment

EDUARDO AñO

GCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with