Inilagay ang isa pang baranggay sa Antipolo, lugar na hindi pa pinangangalanan, sa quarantine matapos magpositibo sa nakamamatay na sakit ng baboy.
File
Baranggay na apektado ng African swine fever umakyat sa 12
James Relativo (Philstar.com) - September 23, 2019 - 7:00pm

MANILA, Philippines — Isa na namang lugar ang naidagdag sa listahan ng mga nagpositibo sa African swine fever, pagkukumpirma ng Department of Agriculture ngayong Lunes.

Inilagay ang isa pang baranggay sa Antipolo, lugar na hindi pa pinangangalanan, sa quarantine matapos magpositibo sa nakamamatay na sakit ng baboy.

"Mula sa inisyal na laboratory test, oo, positibo ito... Patuloy kaming kukuha ng blood samples," ani William Dar, kalihim sa agrikultura, sa Inggles.

Ito na ang ikalawang lugar sa Antipolo na apektado ng ASF, at ika-12 sa buong bansa.

Ilan sa mga lugar na una nang kinakitaan ng sakit ay ang:

Rodriguez, Rizal

  • San isidro

  • San Jose

  • Macabud

  • Geronimo

  • San Rafael

  • Mascap

San Mateo, Rizal

  • Guitnang Bayan 1

Antipolo, Rizal

  • Cupang

Guiguinto, Bulacan

  • Pritil

Quezon City

  • Bagong Silangan
  • Payatas

Bagama't lubhang delikado at nakamamatay para sa mga baboy ang ASF, hindi ito nakaaapekto sa kalusugan ng mga tao.

Gayunpaman, matinding perwisyo ang idudulot nito sa kabuhayan ng mga nasa industriya ng pagbababoy dahil sa halos 100% na mortality rate nito.

Nagpapatupad ngayon ng ban sa importasyon ng baboy mula sa ibang bansa matapos makapasok ang sakit sa bansa.

Pinipigilan din ng ilang local government units ang pagpasok ng mga pork products sa kani-kanilang lugar ngayon upang maprotektahan ang sariling babuyan sa pagkahawa. — may mga ulat mula kay Maureen Simeon

AFRICAN SWINE FEVER ANTIPOLO DEPARTMENT OF AGRICULTURE PORK WILLIAM DARK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with