^

Bansa

PMA superintendent pinagbibitiw kasunod ng 'hazing death' ng kadete

James Relativo - Philstar.com
PMA superintendent pinagbibitiw kasunod ng 'hazing death' ng kadete
Samantala, suportado rin ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang panawagang ituring na heinous crime, o karumal-dumal na krimen, ang hazing.
File

MANILA, Philippines — Pinabababa sa pwesto ng tagapagsalita ng presidente si Philippine Military Academy superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista, 'yan ay kasunod ng pagkamatay ng isa nilang kadete noong nakaraang linggo kaugnay ng hazing.

Ika-18 ng Setyembre nang bawian ng buhay si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio, dahil sa "blunt force trauma" na tinamo sanhi ng marahas na gawi.

Sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, kung siya raw ang "boss" ng nasabing institusyon ay hindi niya maaatim na manatili ng maski isang minuto pa sa posisyon kung hindi niya alam ang mga nagaganap sa kanyang pinamamahalaan.

"Ikaw ang superintendent ng PMA. Tapos may hazing pa diyan? Bakit hindi mo alam 'yan? Bakit hindi mo ma-stop?" sabi ni Panelo sa magkahalong Inggles at Filipino ngayong Lunes.

Ngunit paglilinaw ni Panelo, personal lang niya itong palagay at hindi opisyal na panig ng Palasyo.

Ang hazing ay ipinagbabawal ng batas sa mga eskwelahan, institusyon at komunidad bilang "rite of passage" sa mga organisasyon.

Panawagan tuloy ng spokesperson, magkaroon ng batas na maghahabla sa mga pinuno ng mga institusyon sa tuwing magkakaroon ng mga ganitong insidente, na mangilang-beses nang kumitil sa buhay ng kabataan.

"Alam mo, kapag ginawa mong criminally subject sila sa prosecution, I don't think magkakaroon pa ng hazing. Kahit sa mga fraternities. Gawin mo 'yung pinaka-head, ipapakulong mo."

Samantala, suportado rin ni Panelo ang panawagang ituring na heinous crime, o karumal-dumal na krimen, ang hazing.

Una nang iminungkahi ng mga magulang ni Horatio Castillo III, isang University of Santo Tomas student na namatay sa hazing, na isama ito sa listahan ng mga heinous crimes.

Sinang-ayunan naman din 'yan ni Rep. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro, 2nd district). 

Si Dormitorio ay tubong Cagayan de Oro.

"May posibilidad nang i-angat natin ito bilang heinous crime. Sa ngayon, reclusion perpetua at P3 milyong multa ang ipinapataw dito kapag may namatay," ani Rodriguez sa "Early Edition" ng ANC.

"Ang pagkakaiba ay hindi na sila magiging eligible para sa good conduct time allowance."

Sinegundahan din ni Rodriguez ang pagpapa-resign kay Evangelista sa dahilang may "command responsibility" siya sa nangyari.

'Galit ang pangulo'

Pagbabahagi pa ni Panelo, poot daw ang nadama ng Pangulong Rodrigo Duterte nang marinig ang sinapit ng 20-anyos na estudyante.

"[S]iyempre, galit siya sa mga nangyayari. Alam mo si presidente, naiinis 'yan sa anumang klaseng pang-aapi. At pang-aapi ang hazing kasi sadya mong sinasaktan," wika pa ni Panelo.

Hunyo 2018 nang pirmahan ni Duterte ang Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018

'Yan ay kahit fraternity member mismo ang pangulo noong siya'y nasa kolehiyo pa. Miyembro siya ng Lex Talionis.

Sa kabila ng panibagong insidente, wala naman daw bagong direktiba na inilalabas si Digong.

Imbestigasyon ng NBI

Inatasan na rin ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang Natiponal Bureau of Investigation na silipin ang kaso ni Dormitorio.

"[A]ng NBI, sa pamamagitan ni Director Dante A. Gierran, ay inuutusan at binibigyan ng otoridad na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa hazing ni PMA Cadet 4th Class Dawrin Dormitorio," ani Guevarra sa department order na inilabas ngayong araw.

"[K]ung pahihintulutan ng mga ebidensya... maghahain ng kaululang kaso laban sa mga responsableng tao."

Sa ngayon, tatlong indibidwal na ang iniimbestigahan kaugnay ng pagkamatay ni Dormitorio, pagkukumpirma ni PMA spokesperson Maj. Reynan Afan.

Pinasusumite na rin si Gierran ng mga ulat kaugnay ng tinatakbo ng imbestigasyon at case build-up sa Office of the Secretary. — may mga ulat mula kay Evelyn Macairan

vuukle comment

DARWIN DORMITORIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

HAZING

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with