^

Bansa

‘Hazing isama sa heinous crime’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Hazing isama sa heinous crime�
Ayon kay Gng. Carmina Castillo, panahon na upang isama ang hazing sa mga heinous crime at matigil na ang anumang uri ng pana­nakit sa mga estudyante kung saan ang mga pamilya ang dumaranas ng hinagpis.
Philstar.com/Jonathan Asuncion

MANILA, Philippines — Umapela ang magulang ni Horacio “Atio” Castillo III, ang UST law freshman na namatay sa hazing noong 2017, na isama ang hazing sa mga heinous crime.

Ayon kay Gng. Carmina Castillo, panahon na upang isama ang hazing sa mga heinous crime at matigil na ang anumang uri ng pana­nakit sa mga estudyante kung saan ang mga pamilya ang dumaranas ng hinagpis.

Ani Gng. Castillo, nakakalungkot na patuloy lamang na binabalewala ng mga mambabatas ang mga panawagan.

Si Castillo, 22, ay idineklarang dead on arrival sa Chinese Gene­ral Hospital noong Set­yembre 17, 2017 matapos na dumanas ng hampas at palo sa fatal hazing rites ng Aegis Jvris fraternity members ng University of Santo Tomas.

Binigyan rin naman ng ama ni Atio na si Horacio Castillo Jr. na hindi dapat napapalaya ng maaga ang mga nagkasala ng hazing.

“Kawawang-kawawa po ‘yung family. Ang laki ng hirap para mabigyan ng hustisya ‘yung victims, later to find out na ito pala ay pwede mapaiksi,” ani Ginoong Castillo.

Sa kasalukuyan 10 miyembro ng fraternity ang isinasangkot dahil sa anti-hazing law. Ang mga ito ay kasaluku­yang nakakulong sa Manila City Jail.

Samantala, nakiramay naman ang pamilya Castillo sa pamilya ng bagong hazing victim na si PMA cadet Darwin Dormitorio, 20, na namatay dahil sa blunt force trauma sa Fort Del Pilar, Baguio City noong nakaraang linggo.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with