^

Bansa

3 PMA cadets suspek na sa hazing

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 PMA cadets suspek na sa hazing
Binuhat ng mga sundalo ang labi ni PMA cadet Darwin Dormitorio nang dumating kahapon sa Misamis Oriental Laguindingan Airport para dalhin sa Cosmopolitan Funeral Home sa Cagayan de Oro.
Gerry Lee Gorit

MANILA, Philippines — Itinuturing na nga­yong mga suspek ng Philippine National Police ang tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na umano’y responsable sa hazing na ikinasawi ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Miyerkules.

Sinabi ni Baguio City Police chief, Col. Allen Rae Co, na iniha­handa na nila ang patung-patong na kasong isasampa laban sa mga suspek matapos magtugma ang mga salaysay ng ibang kadete sa resulta ng autopsy ng Baguio PNP Crime Laboratory tungkol sa sinapit ni Dormitorio.

Ang tatlo ay una nang tinawag na persons of interest.

Base pa sa imbesti­gas­yon, lumalabas na tatlong ulit na isinugod sa PMA station hospital si Dormitorio, una ay noong ma-confine siya noong Agosto 20 hanggang 27, na sinundan naman noong Setyembre 7 at huli ay noong Setyembre 17 ng taong ito.

Una ng tinukoy na dalawang second class at isang 1st class cadet ang nasalikod ng hazing. Ang dalawa ay nakakulong ngayon sa kanilang stockade habang ang isa ay nasa holding center.?

Bukod sa tatlong kadete may dalawang kadete pa ang kanilang tinukoy na persons of interest.

Pinag-aaralan na rin ng PNP kung may pananagutang criminal ang doktor ng PMA na tumingin sa biktima na nagtago sa tunay na medical condition ni Dormitorio.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with