^

Bansa

Bakuna vs polio sisimulan sa Okt. 14

Pilipino Star Ngayon
Bakuna vs polio sisimulan sa Okt. 14
Sa mga barangay health center maaaring magpabakuna ang mga bata pero magkakaroon din ng pagbabahay-bahay, ayon kay Domingo.
File

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa pagbabalik ng polio sa bansa makalipas ang halos 2 dekada, mamamahagi ang gobyerno ng libreng bakuna laban sa naturang sakit para sa mga batang may edad 5 pababa.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na magkakasa ang gobyerno ng polio outbreak response sa Metro Manila, Laguna at Mindanao simula Oktubre 14.

“Lahat ng bata na 5 years and below, starting October 14, magbabakuna tayo. Patak lamang ito, walang injection, libre,” ani Domingo.

Sa mga barangay health center maaaring magpabakuna ang mga bata pero magkakaroon din ng pagbabahay-bahay, ayon kay Domingo.

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na ang ilan sa mga sintomas ay lagnat, pang­hihina ng katawan, pagsusuka, paninigas ng leeg, pa­ngangalay ng mga kamay at paa. Maaaring mauwi ito sa pagkaparalisa o pagkamatay ng pasyente.

Mas mataas ang tsansa ng mga bata na magkaroon ng polio kumpara sa mga matatanda, ani Domingo.

Nauna nang ibinun­yag ng Department of Health na may mga kumpirmadong kaso ng polio sa Lanao del Sur at Laguna matapos ang 19 taong pagiging polio-free ng Pilipinas.

Nakitaan din ng polio virus ang ilang water se­wage samples sa Maynila at Davao.

vuukle comment

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with