^

Bansa

Martial law nagsasalba sa demokrasya - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagdedeklara ng Martial Law ang magsasalba sa demokrasya ng bansa basta walang pag-abuso at paglabag sa karapatang pantao.

Ito ang dahilan, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, na kaya inilagay pa rin ng bumalangkas ng 1987 Constitution ang probisyon ng Martial Law.

Ginunita kamakalawa ang 47th anniversary ng proclamation ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1972.

Bagamat naging daan sa disiplina sa mamamayan ang batas militar ni Marcos at lumumpo sa communist insurgency ay iba ang pananaw ng ilan na nag-iwan ng sugat sa kanila.

Ipinaliwanag ni Panelo na ang batas militar ay isang “tool” o instrument para iligtas ang demokrasya na taliwas sa paniniwala ng iba na isa itong kontra sa demokrasya.

Nangyayari anya ang proklamasyon ng batas militar alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon. Ang anumang paglabag dito ay mananagot sa ilalim ng Konstitusyon.

Hinikayat pa ni Panelo ang mamamayan na matuto sa nakaraan at magsilbing aral at gabay ang mga ito sa kasalukuyan.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with