^

Bansa

VP poll protest hiling desisyunan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinaiigting pa ng mga batayang sektor ang pagpapahayag nila ng suporta para kay Vice President Leni Robredo sa gitna ng protestang inihain ni dating senador Bongbong Marcos laban sa kaniya.

Nanawagan sila sa Korte Suprema na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal na tapusin na sa lalong madaling panahon ang kasong walang basehan.

“VP Robredo, tunay na panalo!” sigaw ng mga grupo, na pinangunahan ng Bantay Nakaw Coalition, nang magtipon-tipon sila sa harap ng Korte Suprema sa Maynila nitong Martes, Sept. 17.

Giit nila, dapat nang malutas ang kaso ngayong nakita sa initial recount na mas dumami pa ang boto para kay Robredo sa tatlong probinsyang pinili mismo ni Marcos para sana patunayan ang alegasyon niyang nagkadayaan sa halalan noong 2016. 

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa isi­nagawang pagtitipon sa Padre Faura ang dating Commission on Human Rights chair na si Etta Rosales.

“Nandito tayo para sa katotohanan—katotohanan na ang boto ni Leni Robredo ay lalong lumamang pa, lalong dumami pa sa Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur,” aniya.

Nagpahayag rin ng suporta ang iba’t-ibang mga sektor na tumulong maiangat si Robredo sa pagka­panalo noong 2016.

“Tuloy tuloy na pakikipaglaban, tuloy tuloy na pagsuporta sa tunay na panalo,” ani Kilos Maralita lead convenor Manny Manato. “Ang Supreme Court ay hindi dapat mayanig sa mga paandar ni Marcos. Hindi po tayo magpapadala. Ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas ay walang iba kundi si Leni Robredo.”

  

vuukle comment

VP POLL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with