House pasok sa hazing ng PMA cadet
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na imbestigahan ng Kamara ang pagkamatay sa hazing ni Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, 20, noong Setyembre 18.

Tiniyak din ni Rep. Rod­riguez sa pamilya Dormitorio  na mabibig­yan ng hustisya ang pagkamatay ng nasabing kadete sa loob ng barracks ng PMA sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Sinabi ng kongresista na kapag napatunayan na may nangyaring krimen ay dapat panagutin sa batas ang mga upperclassmen ni Dormitorio gayundin ang mga opis­yal ng nasabing institusyon ng militar.

“We are going to file charges after the investigation in Congress when we have the testimony of everyone not only against the upper classmen who did this hazing but also faculty members, administration officials who knew about this hazing but did not prevent it,” sabi ni Rodriguez.

Sa ngayon, nasa holding center ng akademya ang isang cadet first class at dalawang cadet third class na persons of interest sa krimen kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo.

Iniimbestigahan pa ng PMA ang 20 pang mga kadete na mga testigo sa ginawang hazing habang kasama ring iniimbestigahan ang doktor na unang nag-check-up kay Cadet Dormitorio at iba pang opisyal ng akademya dahil sa naging lapses ng mga ito.

Una nang inihayag ng PMA na “cardiac arrest secondary to internal hemorrhage” ang ikinasawi ni Dormitorio matapos unang ma-diagnose na ‘urinary tract infection’ ang sakit nito.

Pero sa isinagawang pagsusuri ng medico legal expert ng Baguio City Police ay lumitaw na hazing ang ikinamatay ng nasabing kadete.

Nadiskubre rin na dumanas ng grabeng torture ang biktima na kinuryente pa umano sa ari ng kaniyang mga upper classmen.

Si Dormitorio, na tubong Cagayan de Oro City ay dumaing ng ma­tinding pananakit ng tiyan matapos sumuka ng dugo noong Setyembre 18 dakong ala-1 ng madaling araw sa kanilang barracks na bagaman naisugod pa sa PMA Station Hospital ay binawian na rin ng buhay bandang alas-5:15 ng umaga.

Nabatid na si Dormitorio ay pumasok sa PMA noong Agosto 2019 upang matupad ang pa­ngarap nitong maging ganap na sundalo.

HAZING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with