Big time oil price hike nakaamba
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang malakihang oil price hike ang nakaamba na namang ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa darating na linggo.

Sa pagtaya ng mga oil industry experts base sa oil trading mula Set­yembre 16-18, inaasa­han na aakyat ang pres­yo ng gasolina ng hanggang P2.50 sa kada litro at P1.89 sa kada litro ng diesel.

Ibinase ito sa Mean of Platts Singapore (MOPS) na basehan ng presyo ng oil products ng Pilipinas.

Ang naturang taas-presyo ay dulot pa rin ng “drone attack” ng Houthi Group sa mga planta ng langis sa Abqaiq at Khu­rais na nagpo-prodyus ng halos kalahati ng sup­lay ng langis ng Saudi Arabia.

Tinatayang nasa 5.7 milyong bariles ng langis kada araw ang mawawala sa produksyon o 5% ng suplay ng krudo sa buong mundo.

Nitong nakaraang Martes naramdaman na ang epekto sa Pilipinas ng Saudi oil attack nang magpatupad ng price hike na P.85 sa kada litro ng diesel, P1.35 sa gasolina at P1 sa kerosene.

Mula nitong Enero, nasa P5.51 kada litro na ang itinaas sa presyo ng gasolina at P4.02 sa diesel, ayon sa datos ng Department of Energy.

OIL PRICE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with