Layunin ng panukala ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na amiyendahan ang Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act upang madagdagan ng tatlong taon ang validity ng lisensiya ng mga bala at baril.
Miguel De Guzman
5 years validity ng lisensiya ng baril giit
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado na gawing limang taon ang validity ng lisensiya ng baril mula sa kasalukuyang dalawang taon.

Layunin ng panukala ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na amiyendahan ang Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act upang madagdagan ng tatlong taon ang validity ng lisensiya ng mga bala at baril.

Naniniwala si Zubiri na mababawasan ang mga loose firearms sa bansa at mahihikayat ang mga gun owners na iparehistro ang kanilang baril kung mas mahaba ang validity ng lisensiya.

“In addition, this would be beneficial to those who already have a license and registration as they would not have to reregister and renew their registration and license, respectively, as frequently,” sabi ni Zubiri.

Ang lisensiya para sa bala at baril ay kailangan upang madala ng isang sibilyan ang kanyang armas sa labas ng kanilang tahanan.

Ito ay ipinagkakaloob ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) na responsable rin sa firearms registration.

Ang mga baril ay da­pat nakarehistro at naka-record sa Firearms Information Management System (FIMS) ng FEO.

Ayon kay Zubiri, base sa data ng PNP-FEO, nasa 200,000 pribadong indibiduwal ang may firearm at ammunition licen­ses simula noong 2018.

Umaabot naman sa 600,000 baril ang naka­rehistro sa FEO.

Pero sa pagtaya ng FEO, umaabot sa 1 mil­yon ang loose o hindi rehistradong baril sa buong bansa.

BARIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with