AFP joint forces nagpakitang gilas sa pagbawi sa isla
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpakita ng pambihirang kakayahan ang iba’t ibang puwersa ng Armed Forces of the Philippines upang bawiin ang isang isla na inokupa ng mga kalaban sa ginanap na AFP Joint Military Exercise-Dagit, kahapon sa Zambales.

Sa ginanap na joint military drills ginamit ng Philippine Marine Corps ang mga bagong biling Amphibious Assault Vehicles (AAVs).

Ang AFP ay bumili ng 8 AAV’s mula sa South Korean Defense Manufacturer FlanWha Techwin sa halagang P2.42 bilyon.

Ang nasabing drills ay bahagi ng AFP Joint Exercise sa bahagi ng Subic Bay, Zambales  na dating US Naval Base na nakaharap sa West Philippine Sea.

Samantala ginamit naman ng Philippine Air Force sa nasabing pagsasanay ang S-76 A rotary wing aircraft para sa casualty evacuation mula sa dalampasigan patungo sa barko.

Inihayag naman ni Lt. Col. Henry Espinosa, commander ng Amohibious Landing Force na ang joint drills ay makasaysayan dahil ito ang kauna-unahan na ginamit ng Philippine Marines ang sarili nitong AAV para sa ship-to-shore exercises na hindi kasama ang counterpart mula sa US forces.

Ang joint exercise ng iba’t ibang service commands ng AFP ay nagsimula noong Set­yembre 16 at magtatapos sa Setyembre 27 kung saan ang mga venue ay isinasagawa sa Zambales, Nueva Ecija, Tarlac at  Palawan.

“The amphibious ope­rations demons­trated the military’s abi­lity to seize a littoral objective in a scenario of an island retake,” ayon kay Captain Ryan Batchar, Deputy Public Affairs Chief ng AFP. 

 

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with