5.5 milyong bata babakunahan vs polio
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang 5.5 milyong bata bilang pangontra sa muling pagbabalik ng polio matapos makumpirma na isang 3-anyos na batang babae mula Lanao del Sur ang nagpositibo sa Polio Virus Type 2 at isa pang 5-anyos na batang lalaki mula sa Laguna ang infected din ng nasabing virus.

Nabatid na ang bata sa Laguna ay dumaranas ng multiple pediatric diseases. Nakararanas umano ang bata ng ilang sintomas ng paralysis simula pa Agosto 25 hanggang sa maospital. Gayunman nakalabas ng ospital ang bata at minomonitor sa posibleng pagbalik ng ilang sintomas.

Dahil dito hinikayat  ni Health Secretary Francisco Duque  III ang publiko na tangkilikin ang polio vaccination para na rin sa kaligtasan ng kanilang anak.

Ayon kay Duque, nagsimula ang polio vaccination program noong Agosto 2019 sa Metro Manila.

Sinabi naman ni  Health Undersecretary Eric Domingo na sa susunod na buwan magsasagawa ng pagbakuna sa mga batang nasa 5-anyos sa Metro Davao City at Lanao del Sur.

Bukod pa ito sa isang injection na ibibigay sa mga ito upang matiyak na kompleto ang bakuna na naibigay sa isang bata laban sa nasabing sakit.

Muli nitong hinimok ang publiko na kalimutan na ang “dengvaxia scare” kung saan isa ito sa mga itinuturong rason kung bakit mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa.

Ani Domingo, mas da­pat na alalahanin ng mga magulang ang kapaka­nan ng kanilang mga anak sa halip na isipin ang takot sa Dengvaxia.

Pinayuhan din nito ang publiko na panatili­hing malinis ang paligid, palikuran, katawan at mag­hugas ng kamay bago kumain upang maiwasan ang polio virus at iba pang klase ng sakit na nagmumula sa mga maruruming bagay.

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with