Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni da­ting CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maraming active PNP officials ang sangkot sa illegal drugs recycling.
FIle
P2- milyon bounty vs ninja cops nananatili
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Malacañang ang P2 million pabuyang alok ni Pa­ngulong Duterte laban sa bawat ninja cop o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang iligal na droga.

Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni da­ting CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maraming active PNP officials ang sangkot sa illegal drugs recycling.

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, nananatili at hindi pa binabawi ni Pangulong Duterte ang P2 million bounty para sa ikakaaresto o ikakapatay ng mga ninja cops.

Ayon kay Nograles, galit na galit ang Pangu­lo sa mga ninja cops at pursigido itong malinis ang hanay ng mga pulis.

Inihayag ni Nograles na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon kasama na rito ang mga ibinulgar ni Magalong sa executive session sa Senate investigation.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with