Gen. Clement, next AFP chief
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang ‘seasoned combat officer’ na tinaguriang ‘warrior’ laban sa CPP-NPA ang nahirang ni Pa­ngulong Duterte na susunod na AFP chief of staff.

Si Lt. Gen. Noel Clement na produkto ng PMA Sandiwa Class 1985 ang papalit kay Gen. Benjamin Madrigal Jr. na magreretiro na sa serbisyo sa dara­ting na Setyembre 24.

Pinasalamatan naman ni Clement ang Pangulo sa tiwala na ibinigay sa kanya.

Kumpiyansa rin si Clement na magagampanan ang posisyon bilang bagong AFP chief.

Kabilang sa marching orders ng Pangulo kay Clement  ang patuloy na kampanya para matigil ang local communist armed conflict, bagay na hindi na bago kay Lt. Gen. Clement na dati nang namuno sa AFP Central Command, commander ng Philippine Army 10th Infantry Division, at Deputy Chief of Staff for Operations ng AFP.

CLEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with