BuCor official umaming nag-text sa witness
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inamin sa Senado ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer 3 Veronica Buño na nag-text siya sa testigong si Yolanda Camilon.

Si Camilon ang nagsabing nagbayad siya ng P50,000 para mapalaya ng maaga ang kaniyang asawa na nakakulong sa New Bilibid Prison sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) scheme.

Ginawa ni Buño ang pag-amin matapos humarap sa pagdinig si National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran.

Sinabi ni Gierran na base sa kanilang imbestigasyon ay lumitaw na nagkaroon ng palitan ng text message sina Camilon at Buño noong Pebrero 21, 2019. Si Buño ay kabilang sa idinadawit sa “GCTA-for-sale” scheme sa Bilibid.

Noong nakaraang linggo, itinanggi ni Buño na sangkot siya sa anomalya at itinanggi rin na nakipag-usap siya kay Camilon.

Pero matapos iprisinta ni Gierran ang report ng NBI sa Senado ay umamin din si Buño na nagpadala siya ng mensahe kay Camilon.

Sa mismong pagdinig ay isinilbi ng NBI ang isang court order para magkaroon ng access sa cellphone ni Buño. Agad namang ibinigay ni Buño ang passcode ng kanyang mobile phone matapos isilbi ang warrant.

BUCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with