Tracker teams ikinalat vs convicts
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagpakalat na ng 106 tracker teams ang PNP upang tugisin ang 600 pang convicts na nabi­gong sumuko sa kabila ng ultimatum ni Pangulong Duterte.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ipinatupad ang warrantless arrests kaninang madaling araw. Alas-12 ng hatinggabi (Setyembre 19) ay ituturing nang mga pugante ang mga convicts.

Sa tala ng Department of Justice (DOJ) nasa 1,334 ang mga sumurender, 579 dito kabilang ang mga sangkot sa heinous crimes ay sumuko sa PNP habang ang iba pa ay dumiretso sa Bureau of Corrections (BuCor).

Una nang nagbigay ng hanggang September 19 deadline si Pangulong Duterte upang sumuko ang nasabing mga convicts. Naglaan din ang Pangulo ng P1 milyong reward sa bawat inmates na mahuhuli.

Magsusumite ang DOJ ng listahan upang malaman ng mga awtoridad kung sinu-sino ang nakalalaya pa.

Ang 1,914 convicts ay pawang may mga kasong heinous crimes tulad ng rape, murder at destructive arson na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA. Doris Franche

TRACKER TEAMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with