Digong bibisita uli sa Russia
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang bumisita sa ikalawang pagkakataon si Pangulong Duterte sa Russia.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, tinanggap ng Pangulo ang imbitasyon ni Russian President Vladimir Putin na muling bumisita ito sa Moscow sa susunod na buwan.

Naudlot kasi ang unang pagbisita ng Pangulo sa Moscow noong 2017 dahil sa Marawi siege kaya napilitan ang Pangulo na umuwi ng bansa matapos ideklara ang Martial Law sa buong Mindanao dahil sa pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City.

Minsang tinawag ni Pangulong Duterte si Pres. Putin na kanyang ‘favorite hero’ habang sinesemento ng Pangulo ang mas magandang relasyon sa Russia malayo sa tradisyunal na naging kaalyado nitong Estados Unidos.

Mas pinili rin ni Pangulong Duterte na bumili ng mga armas at military equipments sa Russia upang mapalakas ang kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with