Polio virus bumalik sa Pinas matapos ang 19 taon - DOH
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Muling bumalik ang kaso ng polio sa bansa matapos ang 19 taong pagiging polio-free ng Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health sa press conference, kung saan isang kaso ng polio ang nakumpirma sa Lanao del Sur.

Nakitaan din ng polio virus ang ilang water sewage samples sa Maynila at Davao.

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na ang ilan sa mga sintomas ay lagnat, panghihina ng katawan, pagsusuka, paninigas ng leeg, panga­ngalay ng mga kamay at paa. Maaaring mauwi ito sa pagkaparalisa o pagkamatay ng pasyente.

Ayon kay Heath Secretary Francisco Duque III, walang gamot sa polio at maiiwasan lamang ito sa pamamagitan ng pagpapaturok ng polio vaccines na napatunayang ligtas at epektibo.

Dati nang nagbabala ang DOH na posibleng bumalik ang polio sa bansa lalo’t bumaba ang mga nagpabakuna laban sa sakit noong nakaraang taon.

Base sa datos ng DOH, nasa 66 porsiyento lamang ng target population ang nagpabakuna ng third dose ng oral polio vaccine (OPV).

Nasa 95 porsiyento ang kailangan para masi­gurong protektado ang mga Pilipino laban sa polio.

Maaalalang bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa na may kaugnayan sa pangamba ng publiko sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia, na nagdudulot umano ng masasamang epekto sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue na nababakunahan nito.

Dahil dito, nanawagan si Duque sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra sa sakit.

 

POLIO VIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with