Police powers ng MMDA tinabla ng mga kongresista
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tablado sa ilang kongresista ang hirit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na police powers para madisiplina ang mga motorista at maresolba ang probema sa trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin, Jr., na hindi na dapat magpalusot ang MMDA tungkol  sa kabiguang ayusin ang trapiko dahil kung tutuusin ay sapat na ang kapangyarihan ng ahensya para hulihin ang mga pasaway na motorista.

Maliwanag din umano ang nakasaad sa Section 2 ng RA 7924 o ang charter na lumikha sa MMDA ang sapat na kapangyarihan nito kabilang na ang paglulunsad ng single ticketing system, pagtatakda at pangongolekta ng multa sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Para rin sa dating MMDA chairman na si Marikina City Rep. Bayani Fernando, hindi na kailangan ang police powers sa mga traffic enforcer ng MMDA dahil bukod sa kulang ang kanilang kasanayan lalo na sa paghawak ng baril, posibleng lumikha pa ito ng mas malaking problema kapag hindi nakontrol.

Nauna nang sinabi ni Fernando na sa halip na baril ay armasan na lang ng bolo ang MMDA traffic enforcers na naging epektibo noon na madisiplina ang mga taga Marikina.

 

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with