^

Bansa

Manhunt vs convicts simula na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Manhunt vs convicts simula na!
Sinabi ni PNP spokesman B/Gen. Bernard Banac na natapos na ngayong araw ang Setyembre 19 na palugit ng Pangulo para sumurender ang lahat ng napalayang inmates at uumpisahan na silang ares­tuhin sa pamamagitan ng ‘warrantless arrest’.
File

MANILA, Philippines – Sisimulan nang tugisin ng tracker teams ng Philippine National Police (PNP) ang mga heinous crime convicts na lumaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law pero nabigong sumuko sa 15-day deadline ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni PNP spokesman B/Gen. Bernard Banac na natapos na ngayong araw ang Setyembre 19 na palugit ng Pangulo para sumurender ang lahat ng napalayang inmates at uumpisahan na silang ares­tuhin sa pamamagitan ng ‘warrantless arrest’.

Tuloy naman ang alok ng Pangulo na P1 milyon reward sa bawat heinous crime convicts na napalaya sa GCTA na hindi susuko matapos ang 15-day deadline nito.

“Basta ako sinabi ko, I will just set the timeline and then the one million prize is available to those who can capture them dead or alive. But maybe dead would be a better option. I will pay you smiling. Ibalik ko ‘yan preso, makakain pa ‘yang p***** i**** ‘yan. Gagastos pa ako,” sabi ng Pangulo.

Pero sa talaan ng Bureau of Corrections, halos kalahati pa lamang sa 2,000 inmates ang kusang-loob na sumuko sa iba’t ibang law enforcement agencies sa buong bansa.

Sinabi ni BuCor spokesperson Capt. Sonny del Rosario, may 964 pa lamang ang sumusuko sa huli nilang bilang nitong Miyerkules ng umaga.

Sa naturang bilang, 432 ang bumalik sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City habang ang iba ay sa iba’t ibang bilangguan sa bansa.

Sa ulat naman ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kahapon, may 46 sa 202 inmates sa Metro Manila pa lamang ang sumusuko sa huling datos nila dakong alas-8 ng umaga kahapon.

May 23 sa mga sumuko ang nakatira sa Metro Manila habang 23 pa ang galing sa probinsya na sa Maynila mas piniling sumuko. Nabatid rin na dalawa sa mga napalayang inmates ang patay na.

Nabulgar sa publiko ang mga katiwalian sa implementasyon ng GCTA Law nang maiulat ang nakatakda sanang paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa sinasabing magandang ugali sa loob ng NBP. Rudy Andal, Danilo Garcia

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with