‘Ninja cops’ buong Pinas na - PDEA
MANILA, Philippines – Kalat na sa buong bansa ang mga tinaguriang ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng mga nakukumpiskang droga sa mga nadarakip na drug pusher.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Gen. Aaron Aquino, dati ay sa Western Police District (WPD) sa Maynila lang itinatag at nag-o-operate ang ‘ninja cops’ pero ngayon ay lumaki na ang grupo.
Sinabi ni Aquino, kapag nagsagawa ng drug operation ang mga ‘ninja cops’ ay kalahati lang, at minsan ay 30-percent lang ng nakukumpiska nilang droga ang kanilang idinideklara at ang 70- percent ay ibinebenta sa umano’y kilalang drug queen sa Maynila.
Naniniwala si Aquino na ‘ninja cops’ ang sumunog sa kanilang operasyon kaya nagnegatibo ang kanilang bitag sa drug queen.
Tiniyak naman ni Aquino na hindi sila titigil hangga’t hindi nila nadarakip ang drug queen na siyang pinagbebentahan ng recycle na droga ng mga ‘ninja cops’.
Dati na ring kinumpirma ni Pangulong Duterte ang ginagawang recycle ng droga ng ‘ninja cops’.
- Latest