^

Bansa

Ban ng private cars sa EDSA, ‘crazy idea’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ban ng private cars sa EDSA, �crazy idea�
Pero aminado si Recto na kahit naman sino ay malayang magbigay ng kanilang suggestions sa problema ng trapiko pero hindi niya siniseryoso ang nasabing ideya na magkaroon ng ban sa mga pribadong sasakyan sa EDSA.
File

MANILA, Philippines — Tinawag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na “crazy idea” ang panukala ng isang mambabatas na i-ban ang mga pribadong sasakyan sa kahabaan ng EDSA tuwing peak hours.

Pero aminado si Recto na kahit naman sino ay malayang magbigay ng kanilang suggestions sa problema ng trapiko pero hindi niya siniseryoso ang nasabing ideya na magkaroon ng ban sa mga pribadong sasakyan sa EDSA.

Ipinunto pa ni Recto na katakot-takot na buwis ang binabayaran ng mga may-ari ng mga pribadong sasakyan katulad ng excise tax, VAT, duties, at road users tax, bukod pa sa buwis sa langis.

Sinabi rin ni Senate President Vicente  Sotto III na hindi pinag-isipang mabuti ang nasabing idea lalo na ang panukala na dagdagan ang mga bus tuwing peak hours tuwing may ban ang mga pribadong sasakyan.

Kinuwestiyon ni Sotto kung saan itatambak ang mga karagdagang bus pagkatapos ng peak hours.

Naniniwala rin si Sotto na mas pinakamabuti pa rin ang kanyang panukala na huwag payagang mag-park sa lahat ng lansangan sa Metro Manila mula ika-5 ng umaga hanggang ika-10 ng gabi.

Si Caloocan Rep. Edgar Erice, vice chair ng House committee on Metro Manila development, ang naglutang ng ideya na i-ban ang mga pribadong sasakyan sa EDSA mula ika-6 hanggang ika-9 ng umaga.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with