^

Bansa

Divorce bill umusad na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Divorce bill umusad na sa Senado
Lumuluhang ibinahagi nina Len Arcilla, Ma. Stella Sibonga at Marc Anthony Luna ang kanilang malungkot na karanasan sa piling ng mga dating partner nang humarap sa ginagawang pagdinig ng Senado tungkol sa panukalang divorce.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Umusad na sa Senado ang panukalang gawing legal ang diborsiyo sa bansa.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, chairman ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, isang makasaysayang araw ang pagdinig dahil sa unang pagkakataon ay nata­lakay ang panukala.

Sinabi rin ni Hontiveros na “history in the making” ang proseso kung saan magiging posible na ang “dissolution of marriage” sa lahat ng mga Filipino at magkakaroon ang lahat ng pagkakataon ng “second chance” sa pag-ibig.

Humarap sa pagdinig ang mga sumusuporta at mga kontra sa panukala kung saan nagbigay sila ng kani-kanilang mga position papers.

Kabilang sa nagsalaysay ng kanilang buhay ay sina Ma. Stella Sibonga at Len Arcilla ng Divorce Coalition of the Philippines na kapwa nakaranas nang pagmamaltrato mula sa kanilang mga asawa.

Humarap din bilang resource person ang isang Marc Anthony Luna na hindi rin na­ging maganda ang buhay may-asawa at gusto sanang maghain ng annulment pero aabot sa P200,000 ang gastos.

Ayon naman kay Atty. Joel Arzaga, ng Alliance for Family Foundation, sa mga nakaraang panahon, napatunayan na ang divorce o marital dissolution ay may masamang epekto sa mga bata kaya kontra sila na maipasa ang panukala.

Sa panayam, sinabi ni Hontiveros na sa halip na salitang “divorce” gagamitin na lamang ang salitang “dissolution of marriage.”

vuukle comment

DIVORCED BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with